Showing newest posts with label Litratong Pinoy. Show older posts
Showing newest posts with label Litratong Pinoy. Show older posts

Thursday, April 16, 2009

Litratong Pinoy (Hardin)




Ito ang hardin sa Canberra na ang tawag ay Cockington Green Garden na ang mga display ay mga maganadng bulaklak at mga maliliit na village ,, nakatutuwa ang lugar na ito,, kuha ito mga 3 taon na kaya mdeyo wala akong masyadong larawan,,,

May Internasyonal na lugar na kung saan mga ibat ibang bansa ,, eto ang sa Pilipinas na may bahay kubo,, simple lang sya... pinag pose ko ang aking anak habang hawak nya ang bandila ng Pilipinas...

Gustong gusto rin ng anak kong lalaki ang lugar na yan dahil sa maliliit na tren....


ang paborito kong bulaklak ang  Poppies....
Halina't bumista sa Litratong Pinoy para masilip ang iba pang kalahok

Thursday, March 26, 2009

Litratong Pinoy (sapatos)


Ang tema sa araw na ito ay SAPATOS!!!!!   Love ko ang sapatos kaya excited ako....  Although hindi naman ako ang tipo na bibili ng Manolo Blahnik na sapatos... Hindi ko kasi afford yon,,,  simple lang ang aking taste at tama lang sa budget ko....


Ang hilig ko sa sapatos ay namana ng aking bunso ,, mahilig din sya sa sapatos ,, kaya minsan nakita kosya na nagsusukat ng mga sapatos ko .....


January 12 (Mon)


Ito naman ang paborito kong lalagyan ng sapatos,,, gawa sya sa matibay na plastic at iba iba ang sukat nya ,,, meron din syang silica gel sa loob para ma absorb ang moisture ,, madali ko pati na makita ang laman ng kahon.......
Madaming nag komento sa lalagyan ko ng sapatos,,, rekomendado ko po ang lagyan na ito... Nabili ko to sa ALDI , nakalinutan ko na kung magkano pro di naman kamahalan at by pack of 5's yata yan... Meron din nabibili na lagayan minsan sa dollar shops Traget or Kmart kaya lang iba ang itsura hindi talagng clear na katulad ng sa ALDI,, meron ako dati nabili sa Target pero pinalitan ko ng sa ALDI dahil mas matibay at kitang kita talaga...  Tawag dio ay CLEAR shoe Boxes.....



Eto naman si Bunso na eksayted sa SALE ng sapatos.....



Bisitahin ang Litratong Pinoy para sa iba pangmga lahok,,,,,

Thursday, March 19, 2009

Litratong Pinoy (Paboritong Alahas)

alahas


Ang tema sa ngayon ay Paboritong Alahas..

Hummm.. medyo madami akong paborito unang una ang engagement ring na bigay sa kin ng aking esposo. 
Pero ang bago kong paborito ay aking micropave set na diamante na singsing at hikaw,, regalo sa akin ng aking esposo ang singsing nung Disyembre 2007 para sa ika pitong anibersaryo ng kasal namin,, at nung nakaraan na Disyembre 2008 ay regalo naman nya ang hikaw,, 
hummm,, ano naman kaya sa taon na ito???? madalas kong isuot ang alahas na ito kahit pang araw araw,, kasi sabi ng asawa ko kaya daw nya binigay ito sa kin para isuot ko at hindi lang nakatabi....

Medyo , galante lang po ang aking kabiyak at lumalabas sa kanya ang pag ka Italiano nya pag nagreregalo dahil pwede na po akong maging alahera ..  ha haha..
Bisitahin lang po ang Litratong Pinoy para masilip ang iba pang lahok

Wednesday, February 25, 2009

Litratong Pinoy (Bulaklak/ Flower)



Magandang araw,, nandito ang aking lahok sa Litratong Pinoy...


Bulaklak ,, kay ganda ng bulaklak ,, kay bango ng bulaklak...... hay,,,, napakanta tuloy ako.....

Ang unang larawan ay kuha sa Floriade nung October 08 ,, ang anak kong dalaga ay eksayted na  pumose dahil paborito nya ang Mouling Rouge na pelikula ,, at ang tema dito ya sa naturang pelikula...

eto naman ang kuha ko nung nakaran Enero sa bakasyon namin .... ang hibiscus/ o gumamela... paborito ko yan dahil naaalala ko ang aking kabataan na dinidikdik namin ang gumamela at lalagay sa tabo na may tubig at konting sabon at ito ay makakagawa ng bubbles....  




Bisitahin ang Litratong Pinoy para sa iba pang lahok .....

Thursday, February 19, 2009

Litratong Pinoy ( Tipanan / Date)




Ito ang lugar na paborito naming mag asawa na tipanan..

The Barn and tawag sa restaurant,,,  dahil ito ay lumang lugarna dati ay kung saan nilalagay ang mga baka at ba pang hayop na pang bukid noong  1816... 
Ito ay national heritage na kaya di pwdeng tibagin.... kaya ginawa na lang  ala carte restaurant.
Nung nakaraan taon ay dinala namin ang aking kapatid na si JenL dito. 

Pagka meron kaming pagkakataon na mag date ng aking asawa at meron maiiwan na magbantay sa aming mga anak ,, dito ang aming palagian na destinasyon... Masarap ang pagkain at maganda ang atmosphere... Meron din silang Kangaroo sa menu at minsan mga kakaibang menu kaya di ito ordinaryong lugar na kainan...  Hummm.. kelan kaya ulit kami makakabalik sa lugar na ito,, kasi dapat nung V day mag date kami ni mister kaya late na kaming magpa book Fully booked na.....
Kung gusto nyong makita ang iba pang tipanan ay bisitahin lang ang Litratong Pinoy





OVERVIEW

Step back in time when you visit The Barn. Built in 1816 from convict-cut sandstone...The Barn is an outstanding venue for weddings, functions and conferences, so call us or drop in to get a function pack. We are fully licensed, or if you prefer bring your own favourite bottle of wine and remember we have our very popular Barn Wine Nights every month. There is abundant off street parking, so book now and join us for a world class dining experience.
AMBIENCE : Romantic, Sophisticated, Contemporary, Suitable for business

Wednesday, February 11, 2009

Litratong Pinoy ( Puso o hugis Puso)



This week's Litratong Pinoy is about Love Hearts!!!! Getting ready for Valentine's day!!!!

Hay naku , habang kinukunan ko ito ay panay naman at subo ko ng cherry halos maubos ko tuloy , konti na lang ang natira para sa anak ko na hilig din ito,,, masarap kasi .. kaya lang medyo mahal dito,, kaya maliit na box lang ang binili ....

Tapos inisip ko na pagdikitin ang tangkay nila at medyo humigis na parang puso....

Photobucket

Kinailangan ko pang ihubog ang hugis puso buti na lang kamo may cookie cutter ako na hugis puso ... syempre pagkatapos ay sabay kain sa matamis na prutas!! yumm....
Photobucket

Thursday, February 5, 2009

Litratong Pinoy ( Tsokolate/chocolate)


Ang tema sa Litratong Pinoy ay Tsokolate..

Nung nakaraan pasko ay may binigayn kami ng mommy ng kaibigan ng anak ko na Ferrero Rocher ,
di ako ganong mahilig kumain ng Tskolate ewan ko ba, kasi nung nasa Pinas pa ako ay sabik na sabik ako sa tsokolate lalo na kung imported pa... nakikipag agawan pa ako,, nung mapunta ako dito sa Oz ay medyo nabwasan ang hilig ko ,, at naiba ang panlasa ko,, ngayon ang gusto ko ay Dark Chocolate..

Magbalik tayo sa Ferrero Rocher,,, hindi ko ganong hilig ito kasi parang ordinaryo na lang ang lasa sa akin,, bakit kamo kasi meron syang Nutella na palaman namin sa tinapay na gawa rin ng Ferrero Rocher .. hanggang nagyon nga meron pa ako nito sa fridge namin,, Oopps teka muna di ko pa nabisita ,, baka nakain na ng dalagita ko!!! yun ang mahilig sa stokolate .. Matignan nga...


Ferrero Rocher are spherical chocolate sweets made by Ferrero SpA. The sweets consist of a whole roasted hazelnut encased in a thin wafer shell filled with nutella/hazelnut cream and covered in milk chocolate and chopped hazelnuts and walnuts. The sweets contain 72 Calories (304 kJ), and are individually packaged inside a gold-coloured wrapper.

Photobucket

Ito ang loob nya na kung mapapansin nyo ay may nuts at may Nutella
Photobucket

Eto naman ang Nutella na paboritong palaman ng aking anak ,, na halos araw araw yan ang kanyang palaman sa tinapay,, at nilulublob na lang nya ang kanyang daliri sa botelya at kakainin ang Nutella...

Photobucket
Photobucket
Kung gusto nyo pang masarapan sa mga stokolate ay bumisita sa LP...

Thursday, January 29, 2009

Litratong Pinoy ( Lila/ Violet)


This week's theme for Litratong Pinoy is the colour Violet..


Eto ang paborito kong tagalinis sa bahay , Dyson Vacuum Cleaner na bigay sa akin ng aking esposo  3 taon na ang nakaraan.. Hiniling ko talaga sa kanya ang brand na ito kasi marami ang nagsasabi na magaling ito , at totoo nga , di katulad nung dati kung vacuum  na hindi na makahigop ng dumi.....

This is my fave cleaner at home ,, my Dyson Vacuum which was given to me by my hubby 3 years ago... Actually I requested for his vacuum because I heard that this is a good brand,, and true enough it is really good, unlike my old one that has a vacuum bag , "no loss of suction" as they promote it....

Eto pa ang isa kong paboritong tagalinis ,, ang aking kapatid na si JenL , na masipag na naglilinis , aba at naka Ipod ba si ate,, para ganahan mag vacuum,,, kuha ito nung nakaran taon nung sya ay bumisita dito para mamasyal at para maglinis!!!!! ha ha ha....

And this is my other Fave CLEANERat home!!!!! ha ha ha,, My sister JenL  who was happy vacuuming my carpet , while listening to an ipod ...



Thursday, January 22, 2009

Litratong Pinoy ( Kahel/ Orange)

Ito ang lahok ko ngayon araw ng Hwebes, sa Litratong Pinoy . Nakunan ko ito sa Canbrerra , paborito ko ang bulaklak na Poppy ,, katunawan meron akong mga larawan sa bahay na mga poppies...  marami syang kulay pero ang kulay kahel sa ito ang aking paborito...


This is my entry for this Thursday's Litratong Pinoy . I took a picture of this beautiful poppy flower when we went to Canberra. I lkie this flower and I even have some pictures/ painting of poppies at home. 
They have different colours but my favorite is colour ORANGE....

poppy
Bisitahin ang Litratong Pinoy para masilip ang iba pang mga lahok...

Thursday, January 15, 2009

Im Feeling Blue Today ( Litratong Pinoy Blue/ Asul)


I'm back from my holiday  and I missed the Litratong Pinoy for almost 4 weeks ,, Anyway I'm making it up because I posted not only 1 Blue Pic but 7 Blue pics!!!!

Narito na ulit ako , kagagaling lang sa bakasyon , halos 4 na linggo na rin akong di nakasali ,, so hindi lang 1 and lahok ko kundi pitong larawan na kulay asul....

Yeah,,, I'm feeling BLUE today !!!!! Why because its too freaking hot!!!!!!  It almost 40 C heat here in Australia and the  hot scorching sun is BURNING!!!!!! Burn baby Burn!!!!!!

 
Hay ,,,  Pakiramdan ko na ASUL ang araw ko ngayon,, bakit kamo???? Pucha napaka init ngayon araw na ito .. mga 40C at ang init ng araw dito ay nakakapaso sa katawan.. Sunog balat ikanga!!!!!

All I wanna do today is to 
Swim in this BLUE Swimming Pool to keep myself refreshed!!!
Kaya ang gusto kong gawin ngayon araw ay magbabad sa Asul na swimming pool

Go on a sailing boat again and sail the cool blue waters of the WhitSunday Qld
Maglayag muli sa bangka  sa asul na dagat ng WhitSunday .
Take another HELICOPTER ride to see the famous Great barrier Reef with the view on top..
Sumakay muli sa Asul na Helikopter para makita ang pamosong Great Barrier Reef
Ride a Blue Kayak and just feel the wind and water ...
Sumakay sa Asul na kayak and maramdaman ang tubig at ihip ng hangin
Go on a Bike ride on this Cool Blue Harley Davidson of our friend
Umangkas sa likod ng  Magandang Asul na Harley Davidson  ng aking kaibigan.
Just chill out and sing and dance with one of the member of The Wiggles (Anthony) the Blue Wiggle).....
Sumabay sa kanta at sayaw ng isa sa miembro ng The Wiggles na si Anthony na Kulay Asul.
And just chill out and see the BLUE Australian Flag on the clear Blue Sky,,, getting ready for Australia Day on the 26th of January.....
Ang maghanda sa Australia day sa ika 26 ng Enero , at pagmasadan ang ASUL na bandila ..


Thursday, December 18, 2008

Litratong Pinoy ( Karoling)


Ito ang aking lahok ngayon araw na ito... Ang tema ay Karoling,,, medyo napa isip ako kung ano ang aking ilalahok ,, kasi nungnakaraan  Byernes ay hindi kami nakadalo sa  Carols at the park sa aminglugar dahil umuulan,,,kaya di tuloy ako naka kuha ng larawan..

Pero hindi ko na kailangan pang maghanap sa malayo dahil naalala ko ang aking mga dekorasyon sa bahay na kumkanta ng mga kantang pampasko...

Eto ang aking umiilaw na Santa na kumakanta ng Jingle Bells.. at yung mga maliliit na ulo ng Penguin at santa ay kumakanta rin....


Ang nakakatuwa a y itong Baboy na humihiyaw na baboy ay  na ngangaroling rin...

Maligayang Pasko sa inyong lahat......

Wednesday, December 10, 2008

Litratong Pinoy ( Mahalagang regalo)



Mahalagang Regalo....


Ano nga ba ang mahalagang regalo,,, Ito kaya na galing sa Amerika na para sa aking kaarawan??
Hummmmm.....


Mahalagang Regalo para sa aking pamilya???    Unang una ang aking mga anak ay sobra sobra na sa mag materyal na bagay,,, kahit ano man ang kanilang hilingin ,, kung nararapat naman ay aming pinag bibigyan...


Ako man din ay wala ng mahihiling pa ,, kahit hindi man pasko o anon  man okasyon  kung humiling man ako sa aking mapagbigay na esposo ay kaniyang ibibigay... Ganon ka heneroso ang aking mabait na esposo..
Naatutuwa man ako na makatanggap o magbigay ng regalo ay iba pa rin para sa akin ang MAHALAGANG REGALO....
Para sa akin  ang mahalagang regalo sa aking buhay ay ang aking PAMILYA!!!!!

Kahit maglaboy lang kami at kumain ng sorbetes ay masaya na ako dahil sama sama kami at nagmamahalan!!!!!!! MAHAL na Mahal ko ang aking PAMILYA!!!!!


Wednesday, November 19, 2008

Litratong Pinoy ( Madumi)





Hay ilang linggo na rin akong walang lahok sa Litratong Pinoy ... naging busy lang ako ...
Naghahanap ako ng bagay na madumi ,, humm, medyo nahirapan ako... habang nag dri drive ako sa aking kapitbahayan ay medyo naghahanap ng madumi ,, pero ang aming suburb ay malinis at kaaya aya...

So naghanap ako sa aking file na maga larawan at na alala ko na kinunan ko nga pala ito... bukod sa madumi ang isip ng aking esposo ay madumi rin ang kanyang ash tray ( ha ha ha) ,, naipon ang kanyang upod ng sigarilyo.... well di ko minsan pinakikialaman ang kanyang ash tray kasi banas na banas na ko sa kanya sa kasisigarilyo, gusto ko ng mapansin nya na sandamukal na ang kanyang nasigarilyo... at para maisip nya na kailangan na nyang tumigil...  nag aalala rin ako sa kanyang kalusugan...  alam nyo naman ang epekto ng paninigarilyo sa katawan di ba???


In fairness naman,, nung magkakilala kami ay tumigil sya sa pag yoyosi,, mga 5 taon din yon,, ngunit nung magkasakit ang kanyang ina ay na stress sya at nag simula uling magsigarilyo hanggang sa pumanaw ang kanayang ina.... hindi ko naman sya masisisi alam ko ang kanyang nararamdaman..

Araw araw ang aking paalala na sya ay tumigil ,, ngunit nahihirapan sya... sana balang araw ay maging malakas ang kanyang will power...
anyway ako rin ang naglinis nyan ,,wala kasing epekto sa kanya ang teknik ko.... so ayun at araw araw ay madumi ang ash tray  nya....


Thursday, October 30, 2008

Litratong Pinoy (Kadiliman)





Ito ang lahok ko para sa LitratongPinoy na may temang Kadiliman....

Kinunan ko nung nakaraang buwan nung pumunta kami sa Canberra,,, pauwi na kami non ng kinailngan namin na tumigil sandali dahil ang aking anak ay kailangan pumunta sa banyo.. May lugar dito na pwde kang tumigil at may  banyo pa..
Kaya lang nung tumigil kami ay medyo dapit hapon na... at ang langit ay madilim dahil sa parating na bagyo... Sabi ko sa asawa ko na dalian sapagkat hindi ko gusto ang aking pakiramdam sa lugar na ito... Feeling ko ay parang nasa pelikula ako ng Blair Witch!!!!!! bagamat maraming puno sa kapaligiran ang dating ng Vibe sa akin ay kakaiba,, So kinunan  ko pa rin ng lawaran ang madilim na lugar mabuti na lang at di lumitaw sa larawan ang kampon ng Kadiliman!!!!!! WRAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!  Happy Halloween to all!!!!!!!!!

  © Blogger template 'Fly Away' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP