Thursday, March 19, 2009

Litratong Pinoy (Paboritong Alahas)

alahas


Ang tema sa ngayon ay Paboritong Alahas..

Hummm.. medyo madami akong paborito unang una ang engagement ring na bigay sa kin ng aking esposo. 
Pero ang bago kong paborito ay aking micropave set na diamante na singsing at hikaw,, regalo sa akin ng aking esposo ang singsing nung Disyembre 2007 para sa ika pitong anibersaryo ng kasal namin,, at nung nakaraan na Disyembre 2008 ay regalo naman nya ang hikaw,, 
hummm,, ano naman kaya sa taon na ito???? madalas kong isuot ang alahas na ito kahit pang araw araw,, kasi sabi ng asawa ko kaya daw nya binigay ito sa kin para isuot ko at hindi lang nakatabi....

Medyo , galante lang po ang aking kabiyak at lumalabas sa kanya ang pag ka Italiano nya pag nagreregalo dahil pwede na po akong maging alahera ..  ha haha..
Bisitahin lang po ang Litratong Pinoy para masilip ang iba pang lahok

12 comments:

meeya March 19, 2009 at 12:39 PM  

sweet naman ng iyong esposo! at maganda ang taste ha, in fernezz! :D sige sabihin mo sa amin kung ano ang handog niya sa iyo sa taong ito, hehehe!

Marites March 19, 2009 at 1:20 PM  

huwawwww! ang tsosyal naman ng iyong alahas. Ang swit ni esposo:)

jennyL March 19, 2009 at 2:26 PM  

hey sis d ko makita ng pics mo

thess March 19, 2009 at 7:56 PM  

Wowie! Mister sure have a good taste, very nice! I love the shot too!

oo nga naman, share with us what you'll get this year ;)

Joe Narvaez March 19, 2009 at 10:29 PM  

WoW! Ang galing ng pagkakakuha mo dito ah. Tsaka ang gara ng mga alahas na yan.

Gmirage March 19, 2009 at 10:39 PM  

Malamang mas malaking diamante ang kasunod? sge abangan din nmin...love the shot!

SASSY MOM March 20, 2009 at 12:08 AM  

Sa susunod bagong set naman at mas maganda. Ang galante naman niya. Sweet :-)

jeanny March 20, 2009 at 2:55 AM  

wuahhhhh...ang daming bato. :)

Sarap nya tignan. Happy LP

ces March 20, 2009 at 12:11 PM  

aba e kailangan katerno ng mga iyan! mas malaki laki:)

cal March 20, 2009 at 12:12 PM  

ang swerte mo naman taon taon may bagong alahas hehe!

Linnor March 20, 2009 at 1:12 PM  

ang saya naman! ;) i'm sure palaki ng palaki ang collection mo kada bigay ni hubs. :)

Jes March 20, 2009 at 4:31 PM  

wow sossy ang lola ko! ganda nmn nyan sis!!!

Post a Comment

  © Blogger template 'Fly Away' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP