Wednesday, November 19, 2008

Litratong Pinoy ( Madumi)





Hay ilang linggo na rin akong walang lahok sa Litratong Pinoy ... naging busy lang ako ...
Naghahanap ako ng bagay na madumi ,, humm, medyo nahirapan ako... habang nag dri drive ako sa aking kapitbahayan ay medyo naghahanap ng madumi ,, pero ang aming suburb ay malinis at kaaya aya...

So naghanap ako sa aking file na maga larawan at na alala ko na kinunan ko nga pala ito... bukod sa madumi ang isip ng aking esposo ay madumi rin ang kanyang ash tray ( ha ha ha) ,, naipon ang kanyang upod ng sigarilyo.... well di ko minsan pinakikialaman ang kanyang ash tray kasi banas na banas na ko sa kanya sa kasisigarilyo, gusto ko ng mapansin nya na sandamukal na ang kanyang nasigarilyo... at para maisip nya na kailangan na nyang tumigil...  nag aalala rin ako sa kanyang kalusugan...  alam nyo naman ang epekto ng paninigarilyo sa katawan di ba???


In fairness naman,, nung magkakilala kami ay tumigil sya sa pag yoyosi,, mga 5 taon din yon,, ngunit nung magkasakit ang kanyang ina ay na stress sya at nag simula uling magsigarilyo hanggang sa pumanaw ang kanayang ina.... hindi ko naman sya masisisi alam ko ang kanyang nararamdaman..

Araw araw ang aking paalala na sya ay tumigil ,, ngunit nahihirapan sya... sana balang araw ay maging malakas ang kanyang will power...
anyway ako rin ang naglinis nyan ,,wala kasing epekto sa kanya ang teknik ko.... so ayun at araw araw ay madumi ang ash tray  nya....


18 comments:

Enchie November 19, 2008 at 11:35 PM  

madumi sa pangloob at labas...

thess November 20, 2008 at 8:23 AM  

Aww madumi nga ito, hindi lang sa labas kundi lalong lalo na sa loob ng katawan...sana tumigil na ulit sya ano...for good :)

Happy LP!

cookie November 20, 2008 at 1:55 PM  

sana tumigil na nga sya sa pag-yosi..yosi kadiri :)

ZJ November 20, 2008 at 4:57 PM  

Yan din ang minimithi ko na sana huminto na rin sa paninigarilyo ang asawa ko.

julie November 20, 2008 at 5:49 PM  

Sana nga tumigil na siya, hindi lang sa kanyang kapakanan at sa kapakanan din ninyong mga nagmamahal sa kanya.

Achooo! Oops, sorry ha,medyo aleergic ako sa amoy ng yosi :)

Eds November 20, 2008 at 7:34 PM  

Napaka rumi nga nyan kaibigan!

pining November 21, 2008 at 1:00 AM  

marumi nga at masama sa kalusugan
it really needs a strong will power to stop smoking, I wish you well :-)

mirage2g November 21, 2008 at 1:29 AM  

Ipaliwanag mo sa kanya na mas masama para sayo ang sigarily dahil nalalanghap mo, kesa sa kanya na humihithit non. Sabihin mo out of pagmamahal kelangan nya tumigil ;-)

Happy LP!

ian November 21, 2008 at 2:48 AM  

kung nakayanan niyang tumigil noon, makakaya niya itong muli! kaya suportahan mo lang sya sa kanyang araw-araw na pagpupunyagi =] may mga gamot na rin ngayon na pwedeng inumin, ikabit sa balat, o nguyain- makipag-alam kayo sa isang doktor para magabayan sya sa pagtigil sa paninigarilyo =]

Agring November 21, 2008 at 5:37 AM  

Aw! yang ang madumi talaga. I hate those cigarettes!!

Nina November 21, 2008 at 6:19 AM  

yosi kadiri...buti na lang si hubby hindi nagsisigarilyo.

spiCes November 21, 2008 at 6:36 AM  

ayayay ang dami!

cheh November 21, 2008 at 8:57 AM  

Ewww naalala ko tuloy sya noong ako'y hibang pa sa kanya:)

Joe Narvaez November 21, 2008 at 11:57 PM  

Madumi nga yan. Madumi sa katawan. Madumi sa bahay. Madumi sa hangin.

Ito po ang lahok ko.

Pete Rahon November 22, 2008 at 8:58 AM  

wow super dami na ng nayosi - at least hindi naman isang upuan iyan hehehe... well addicting talaga ang yosi...

lino November 22, 2008 at 12:51 PM  

madumi nga... madumi pa sa katawan... pasensya na at ako'y nahuli, pakisilip ang aking lahok... :)

pao November 22, 2008 at 3:04 PM  

wah, madumi nga. madumi din sa lungs. dami niyan ah! hehe.

happy LP! sorry late ako.

Munchkin Mommy November 26, 2008 at 7:00 PM  

naku, sana naman ay tumigil na ulit ang iyong kabiyak sa paninigarilyo. kung nagawa niya na dati, siguradong magagawa niya ulit! :)

Post a Comment

  © Blogger template 'Fly Away' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP